Nakita ko ang layunin na "MAGPASAYA" sa mga batang lumalaban sa salitang "PAG-ASA".
Nang ako'y dumating sa lugar na ito
Mapait na kalungkutan ang nadama ko
Ako'y napaisip. Bakit nga ba? Bakit nga ba? Ako narito?
Nasilayan ko ang mga paslit
Bakas sa mukha ang kasiyahang pilit
Labis na sakit ang sa aki'y umiipit
Walang ibang naramdaman kundi pait.
Nang ako'y tumuntong sa harap at nagsalita ,
Nakita ko ang layunin na "MAGPASAYA"
Sa aking nasilayan sila ay iba,
Puno ng takot dahil sa trahedyang nadanas nila.
Ngunit sa kabila ng sakit na nadarama
Nakahanda akong pawiin kahit madami pa.
Lumalaban sa salitang "PAG-ASA"
Isa yan sa dahilan para wag sumuko pa.
Mahirap sumuong sa problema,
Lalo na't kung nag-iisa
Ngunit nandyan ang Diyos na buhay
Magdasal at magpuri at gagabayan kang tunay.
Sa mga bata sa Ilagan Isabela
Sa pagbangon hindi kayo nag-iisa
PIF Facilitators, Magulang, Guro ay kasama
May bonus na Unilab Foundation pa
Kaya wag mangamba mabilis na pagbangon ay kayang-kaya.
Sa pagsusulat ko na lamang ipapahayag
Ang damdamin kong pilit naglayag
Sa pag-iyak, lungkot, o ligaya,
Kami'y inyong kasama.
Batong Labang patuloy po tayong lumaban
Sapagka't aking nasaksihan ang tunay na kaligayahan.
Wala sa uri ng damit o uri ng tirahan
Ito ay nasa pamilya kung paano magtutulungan.
Kasiyahang walang pwedeng humadlang
Kahit anong unos pa ang humarang
Pagmamahal, pagkalinga, at pag-unawa,
Ilan lang yan sa layunin na dapat masagawa.
Bigyang pansin mga batang paslit,
Nakakagaan ng loob kahit pagngiti ng saglit
Musmos na edad, alam ang reyalidad
Senyales na apektado sa naranasang kalamidad.
Sa pagtatapos ng programang pagtulong
Tapat na lingkod ay napabulong
Nang ang mga bata'y umawit
Ka'y sarap sa tainga kahit ipaulit.
Masayang luha ang ipinalit sa ngiting walang kapalit,
Kahit sila'y minsang piniit sa sakit,
Alam kong sabay-sabay silang babangon ulit.
Ako'y nagpapasalamat sa aming Youth Leader,
Si Leni Concepcion na maganda kahit sang angle,
Sa kapwa kabataan na sobrang hyper,
Lalo na sa Unilab Foundation na aming founder.
Pag-asa, Karunungan, Paglalaro, Pagbangon at Ligaya aming ihahandog habang nabubuhay pa. Maraming Salamat po.
Anna Patricia Gabriel Geollina or Ate Ponggay is a certified Play It Forward-On The Move facilitator from Malabon City. She is a member of Barangay and Children Youth Association-Malabon. She loves reading, singing, and writing poetry.
Comments