Batong Labang. Labindalawang letra na puno ng pait ng kahapon at sakit ng nakaraan. Pero ang labindalawang letrang ito ang nagbigay ng saya, pag-asa, lakas at inspirasyon sa amin, sa inyo, at sa ating lahat.
Batong Labang. Labindalawang letra na puno ng pait ng kahapon at sakit ng nakaraan.
Pero ang labindalawang letrang ito ang nagbigay ng saya, pag-asa, lakas at inspirasyon sa amin, sa inyo, at sa ating lahat. Ang labindalawang letrang ito ang nagturo sakin kung paano mabuhay, kung paano maging matatag, at kung paano maging masaya kahit may problema.
Bawat ngiti ng mga bata sa Batong Labang Elementary School sa Ilagan, Isabela ay nakakataba ng puso. Hindi mo makikita ang bakas ng trahedya. Kada sabi ko ng "Hi!" ay sumasagot naman sila ng "Hello!" Habang sinasabi nila ito ay tuwang-tuwa sila. Pumapadyak ang mga paa na may kasama pang lundag pero ako'y nagulat sa aking nakita. Tignan mo, masdan mo, ang kanilang mga matang namumugto. Namumugto dahil sa takot at lungkot na kanilang nararamdaman.
Dito ko na-realize yung bigat, sakit, at takot na dala-dala nila. Habang tinitignan ko sila isa-isa, may namumuong luha sa gilid ng aking mga mata. Pero pinilit kong ngumiti para hindi nila makitang nalulungkot ako. Tinuloy ko ang pagpapasaya sa kanila. Sa pamamagitan ng kwento ni UFIE: Ang Asong Bayani, tinuro ko sa kanila kung paano maging bayani. Bakas sa mga mata't labi nila na sila'y nasisiyahan. Nakaramdam ako ng sobrang tuwa at gana dahil napansin kong tila'y nalimutan nila pansamantala ang kanilang pagsubok na pinagdaanan.
Tinuloy ko ang pagpapasaya sa kanila! Tinuro ko ang simpleng palakpak na “Mcdo! Jollibee! Churcha! Appa! Schoola! Downa! Die! Alive!” Sila'y sobrang aliw na aliw at tuwang tuwa. Kasunod nito ay tinuro namin ang “Superhero” dance. Agad nila itong nasundan! Bawat indak, pitik at galaw ng kanilang katawan ay nakakapagbigay ng malaking kasiyahan sa akin. Sabi nga sa kanta, “Lahat ay gagawin, lahat ay susubukin, lahat haharapin, lahat ay kakayanin! Lilipad ako para lang sayo! Lilipad ako sa dulo ng mundo! Ang lahat ng ito'y para lang sayo, dahil ang totoo, ikaw ang aking… Superhero!” ‘Yan ang kantang kay sarap pakinggan kapag galing sa bibig ng mga bata. Akala ko sila'y hindi makikinig sa akin, akala ko hindi nila ako papansinin, akala ko hindi nila ako susundin. Pero nagkamali ako! Dahil akala ko lang pala yun.
Noong ikalawang araw, hanggang sa pagtulog ko, bawat isa sa kanila ay hindi ko malimutan. Pagbukas pa lamang ng pinto ng aming sasakyan, narinig namin ang kanilang sigaw. "Anjan na si Ate Micha!" "Anjan na yung mga taga-Unilab Foundation! Ang sarap sa pakiramdam na sila'y nasasabik sa amin, bakas sa mga mata nila, na handa silang matuto sa amin. Pag pasok ko ng kwarto, sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap. Sabay sabing, "Tara, Ate Micha! Sayaw na tayo ng Superhero!" Ako’y natuwa sa aking narinig at agad-agad akong pumayag.
Tinanong ko ang mga bata kung kalian sila nakakaramdam ng takot at lungkot. Ilan sa mga sagot nila, "Kapag umuulan po,” “kapag humahangin ng malakas," "kapag tumataas ang tubig sa ilog,” “kapag di ako nakakapasok sa school," "kapag nililipad ang bubong namin,” “kapag wala kaming pagkain," "kapag namatay ang magulang." Sa bawat sagot nila ay tumitindig ang aking balahibo. Habang binibigkas nila ito, ako'y nakakaramdam ng tuwa at sakit. Tuwa dahil naibahagi nila ang nararamdaman nila. Sakit dahil sa murang edad nila ay nakararanas at naiisip na nila ang mga ganong bagay.
Ako'y nakaramdam ng lungkot noong kami ay aalis na—sa lugar na puno ng mga batang matataas ang pangarap. Bago kami umalis ay may hinandog silang kanta sa amin. Naantig ang puso ko, at di napigilang umiyak. Niyakap nila ako ng mahigpit na may ngiti. Bago ako magpaalam sa kanila, sinigurado kong sila ay masaya at nag-enjoy kasama namin. Nagulat ako dahil bigla silang nagsabi ng "Ayayatenka namen yu ate" na ang ibig sabihin ay "Mahal ka namin ate." Ako'y natuwa sa aking narinig at naiwan sa isip ko ang salitang "BATA, LABAN."
Sila yung tipo ng mga batang kahit anong mangyari ay lumalaban sila. Kahit anong mangyari ay kinakaya nila. Kaya sobrang say ako dahil nakatulong ako sa kanila at alam kong kahit papaano ay may naiambag ako sa kinabukasan nila. Hindi ko kayo makakalimutan. Salamat sa pag-asa at inspirasyon na binigay ninyo sa akin. Hanggat may buhay may pag-asa! Bangkawen!
Michaella Flores or Ate Micha is a certified Play It Forward-On The Move facilitator from Malabon City. She is a youth volunteer at Barangay and Children Youth Association-Malabon and adviser to Pag-Asa Youth Association of the Philippines. Micha’s interests include cooking and computer programming.
Comments