Instrumento ako, ikaw, tayong lahat ng Diyos upang iparamdam ang malasakit at pagmamahal sa mga tao.
Ako ay simpleng kabataan na taga-Maynila kabilang sa ibat ibang uri ng programa o gawain sa aming simbahan at gayon din sa aming barangay. Kabataan ng Malabon dito ako ay napabilang, walang inaasahang kaganapan, ngunit dumating ang isang araw napasama ako sa programang Play It Forward-On The Move ng Unilab Foundation para magbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong Lawin noong October 2016 sa isang komunidad sa Ilagan, Isabela.
Iba ang Maynila sa probinsya o Isabela. Katahimikan ang bumabalot sa lugar, magagandang tanawin at malamig na simoy ng hangin. Ngunit binasag ng katahimikan ang trahedyang sinapit ng mga mamayanan sa bayan ng Batong Labang, Ilagan, Isabela, kanilang tahanan lubusan ngang nasira ng bagyo nasa kanila ay dumaan. Lubos akong naluha sa aking nakita, ibat ibang uri ng bata ang sa akin ay bumulaga. Ang iba’y lungkot ang nangingibabaw, ang iba namn ay hirap na pilit nilang nilalabanan at ang iba ay maging masaya na kanilang pilit na pinagsisikapan na makita sa kanilang mukha.
Ngunit may isa pa akong nakita, “May pag-asa pa!” ‘Yan ang wika ng kanilang mga mata habang hinaharap ang panibagong umaga ng kanilang buhay. Lumingon ako sa aking paligid, nasilayan ko ang kanilang pait na sinapit, Paghagupit ng bagyong lawin ang tuluyang sumira sa kanilang magandang tanawin, sumira sa simpleng bahay na kanilang tinutuluyan, simpleng iskwelahan ng kanilang nagiging tahanan sa pag- aaral. Pero hindi ang malaking pangarap nilang makapagtapos ng pag-aaral at umasenso sa buhay. Pangarap na pinanghahawakan nila na may katagumpayan.
Pinagmasdan ko ang mga batang bulinggit na sa akin ay nakadikit. Simple lang ang buhay para sa kanila maglaro at mamuhay ng masaya sa ganyan ay kuntento na sila. Kaysaya saya nilang pagmasdan, ramdam ko ang kaligayahan na kanilang nararamdaman, bawat tawa at yakap nila ay nakakapawi ng pagod, mga pangungulit na ito iyo mong ikasasaya, lambing ng bawat salita nila tagos hanggang buto sa sobrang saya. Salamat talaga sa Diyos at nakilala ko sila.
Nagulat ako nang may lumapit sa akin na bata, Ashley ang ngalan nya. Sabi nya, "Ate, kaylangan ko po ng inyong tulong." Napatigil ako at napatingin sa kanya, “Aba, may isang bata pala na kaylangan ng tulong ko.” Nagmadali akong tulungan sya. Bigla akong napaisip, may mga batang makukulit pero sobrang bait na maari kong matulungan sa maliit na bagay lamang. May lungkot sa aking dibdib, ano kaya ang maari kong maging tugon sa mga batang kaylangan ng aking tulong? Anong pwede kong gawin para ako ay makatugon? Yan ang tumatakbo sa aking isipan, Ngunit akoy di nagpatinag, dahil alam kong nandun na ako para mapasaya ang batang ito!
Tinuloy ko ng may kagalakan at buong pagmamahal ang gnagawa kong pakikipag-usap, pagtuturo at pakikipaglaro sa kanila ng sa ganun maibsan ang nararamdaman nila! Tinuro ng mga bata sa akin na simple lang ang buhay dapat ka lang mangarap at magkaroon ng pag-asa sa buhay, may trahedya man na dumating laban lang, babangon habang nabubuhay. Lubos kong nakita ang realidad ng buhay, tanggapin kung ano ag meron sa ngayon at ipagpasalamat sa Maykapal. Lubos ko talagang tatanawin ng malaking utang na loob ang mga taong ginamit ng Diyos upang maging parte ako sa programang ito.
Isang pribilehiyo't karangalan ang magamit ng Diyos upang maging tulong at mapasaya ang mga bata na kagaya nila. Instrumento ako, ikaw, tayong lahat ng Diyos upang iparamdam ang malasakit at pagmamahal sa mga tao. Hindi mahirap maging volunteer kung buong puso mong ginawa na paglingkuran ang mga bata at mga magulang doon sa bayan ng isabela. Yan ang isang malaking reward na dapt pinagmamalaki. Pero hindi biro ang maghatid ng pag-asa, kaalaman at magbigay ng ngiti sa kanilang labi. Maraming tao dito sa mundo, pero isa ako, ikaw sa mga volunteer na naging bahagi nito. Hindi lahat nabibigyan ng isang opportunity to serve, pero ikaw ay pinagkalooban ng Diyos ng isang pusong dalisay upang maglingkod sa kababayan at magbigay tulong.
Hindi matatawaran ang kakaibang karanasan ng kahit anong bagay dito sa mundo ang naranasan ko. Kaya Lubos akong humahanga sa mga kapwa ko kabataan, kananayan at iba pang mga kasama ko upang gawin ito ng walang hinihinging kapalit at tapos sa puso! Saludo ako sa inyo mga kapatid! Napakapalad natin lahat, Tayo ay naging magumpay dahil sa bawat isa! Taos puso din po akong nagpapsalamat sa aming ma'am Leni Concepcion na naging tulay upang maging bahagi ng programang ito. Maraming Salamat din po sa Unilab Foundation! Pagpalain nawa kayo ng Diyos sa inyong mga proyekto!!
Sharina O. Robete or Ate Sha is a certified Play It Forward-On The Move facilitator from Malabon City. She is a member of Barangay and Children Youth Association, Youth of Heaven’s Gate Community Church, and a facilitator of Youth of Longos-Malabon.
Comments